Ex-bata ni Digong nililigawan ng ICC vs drug war

Kinakausap na umano ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) ang ex-tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para gawing testigo at isa sa complainant sa madugong drug war ng dating administrasyon.

Sa zoom interview ng mga Justice reporters kay retired SPO4 Arturo Lascanas, sinabi nito na “ang lahat ng mga specific cases na pinatay namin na naalala ko ay inilahad ko sa aking testimonya sa International Criminal Court (ICC).”

Nabatid na nakahanda si Lascanas na sabihin sa ICC ang lahat ng kanyang nalalaman.

Nalaman na bahagi ng testimonya ni Lascanas sa ICC, ang pag-amin na isa siya sa mga original members ng Davao Death Squad ni Duterte.

“Kami ang mga inuutusan niya na pumatay sa libu-libong tao sa Davao City and nearby areas from 1988 hangang sa umalis ako sa grupo nung Dec 2016. Nung una, mga petty criminals ang pinapatay namin hanggang sa kinalaunan ay mga kalabang personal, karibal sa negosyo o kritiko sa pulitika, gaya ng broadcaster na si Jun Pala,” ayon kay Lascanas.

Muling sinabi ni Lascanas na katulad ng kanyang testimonya noong 2017 sa Senado, humihingi siya ng tawad sa mga pamilya ng kanilang mga biktima at sa taong bayan at ipinagdarasal rin niya sa Diyos ang kanyang kapatawaran.

(Juliet de Loza-Cudia)

The post Ex-bata ni Digong nililigawan ng ICC vs drug war first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments