Ikinatuwa ni Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito ang muling paghahain ng mga panukala para sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Ecozone and Freeport Area dahil makatutulong ito sa paglakas at paglago ng ekonomiya ng bansa.
“It will maximize the planned Bulacan International Airport and generate an economic boom,” pahayag ni Ejercito sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs nitong Miyerkoles, Enero 31.
Sa kasalukuyan, may tatlong bersiyon ang Bulacan Ecozone bill na inihain sa Senado.
Ayon kay Ejercito, ang mga paliparan ay hindi lang transportation hub kundi sentro rin ng economic activity. Ikinumpara niya ito sa mga matagumpay ng lugar tulad ng retail market malapit sa Dulles Airport sa Washington, D.C., at mga umuusbong na mga logistic center malapit sa Hong Kong International Airport at Incheon Airport sa Seoul.
Naniniwala si Ejercito na ang mga panukalang ito ay makababawas sa pagsisikip sa National Capital Region (NCR), lilikha ng mga oportunidad sa mga rural area at magpapasigla sa economic development hindi lamang sa Metro Manila, Cebu at Davao kundi maging sa Central Luzon, Northern Luzon at iba pang lugar sa bansa. (Dindo Matining)
The post Ekonomiya sisipa sa Bulacan Airport City Ecozone first appeared on Abante Tonite.
0 Comments