Travel consultancy firm kinandado sa pekeng trabaho

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Manila office ng Dubai-based firm na Legal Connect Travel Consultancy dahil sa pag-aalok sa mga overseas Filipino worker ng pekeng trabaho sa Italy at Malta.

Sa pahayag ng ahensiya nitong Martes, Enero 23, pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang pagkandado sa opisina ng Legal Connect sa Brgy. Veterans Hills, Quezon City.

“Walang legal na ginagawa ang Legal Connect Travel Consultancy na kilala rin bilang Legal Connect Travel Services – sa katotohanan ay illegal lahat ang aktibidad nila – illegal recruitment, illegal collection ng fees, lahat illegal,” sabi ni Cacdac.

Ang ginawa ng DMW ay bilang tugon sa natanggap na mga reklamo ng Migrant Workers Protection Bureau mula sa mga aplikante na biktima umano ng Legal Connect matapos singilin ng malaking halaga bilang placement fee.

Dalawa umano sa mga biktima ay nasa Dubai bilang mga OFW at nasa Maynila naman ang pangatlong nagreklamo.

The post Travel consultancy firm kinandado sa pekeng trabaho first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments