Pulis nabulaga sa bentahan ng shabu

Timbog ang isang pulis at kasama nitong drug pusher matapos mahuli sa ginawang anti-illegal drug operation sa Barangay Domanpot, Asingan, Pangasinan nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Asingan Police Station (APS), ang 42-anyos suspek na pulis ay kinilala lamang sa ranggong police corporal, nakatalaga sa Santa Maria Police Station, Pangasinan at kasama nitong si alyas Puto, 31-anyos.

Sa report, sinabi ng APS anti-illegal drug unit, matagal na nilang sinusubaybayan ang ilegal na aktibidad ng dalawa.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis kung saan isang undercover agent ang bumili ng shabu sa mga suspek at pinosasan ang mga ito habang nakasakay sa Toyota Tamaraw FX na may plate number na UNZ-665.

Nakuha sa pulis at kasabwat nito ang hindi pa malamang halaga ng shabu, mobile phone, sasakyan at isang baril.

Nakakulong ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

(Allan Bergonia)

The post Pulis nabulaga sa bentahan ng shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments