Coco ‘napag-iiwanan’ ni Ruru

In-assure ni Coco Martin ang mga fan ng ‘Batang Quiapo’ that they will show the never-before-seen scenes.

Isang taon na ang serye at mapapanood ang new chapter ng kanyang buhay na tumakas sa bilangguan.

“Part na ito ng pagkalaya ni Tanggol. Aaralin na niya kung paano hawakan ang Quiapo at Maynila. Kasi sa bilangguan, nakilala ko ‘yung character ni Tito Nonie Buencamino, si Marcelo,”sambit niya sa isang panayam.

Nababahala rin siya sa ibang scenes na hindi type nang manonood na sinasabi nilang “puchu-puchu.”

Marami kasi ang nagsasabing napag-iiwanan ni Ruru Madrid via Black Rider ang actor dahil nakukulangan na sila sa action scenes sa BQ.

Pero, maraming bagong karakter ang pumasok sa ‘Batang Quiapo’ na magpapatindi sa tapatan sa ‘Black Rider.’

The post Coco ‘napag-iiwanan’ ni Ruru first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments