Tagalog dubbing ng mga English movie, TV program bet ipagbawal

Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagbawal ang Filipino dubbing ng mga English movie at television programs.

Sa halip, nais ni Negros Occidental Rep. Jose Francisco Benitez na lagyan na lamang ng Filipino subtitle ang mga English movie at TV program.

Sa House Bill No. 9939, sinabi ni Benitez na makakatulong ang kanyang panukala upang matuto ng Ingles ang mga Pilipino at ito ay maging kanilang ikalawang wika.

“Mass media can be a platform for learning ESL,” sabi ni Benitez sa explanatory note ng panukala. “Mass media can enable children to acquire ESL and develop English proficiency.”

“English proficiency is often cited as the key factor to the growth of the business process outsourcing industry in the country, which earned the Philippines the title of ‘call center capital of the world’,” dagdag pa ng kongresista.

Ipinunto rin ni Benitez ang pagkabahala ng mga business group na mawala ang bentaheng ito sa mga Pilipino kaya kailangan umanong palakasin ang pagkatuto ng wikang Ingles.

Ang mga lalabag ay papatawan ng P50,000 hanggang P100,000 at maaaring ipakulong pa ng mula anim na buwan hanggang isang taon. (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post Tagalog dubbing ng mga English movie, TV program bet ipagbawal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments