Mga drug manufacturer sa `Pinas gagawa ng gamot sa TB, HIV bakuna

Limang drug manufacturer sa bansa ang nangako na gagawa ng gamot laban sa tuberculosis bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng medikasyon para sa naturang sakit at sa human immunodeficiency virus (HIV).

Ito ang inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) matapos ang kanilang pulong sa Malacañang.

Ayon kay Paolo Borromeo ng PSAC-Healthcare Sector Group at president/chief executive officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc., limang kompanya ng gamot ang pumirma para makibahagi sa produksyon ng anti-TB na mga gamot pati na sa bidding na pangungunahan ng Department of Health.

Magkakaroon din aniya ng kahalintulad na inisyatibo para sa HIV dahil ang mga ito ang dalawang prayoridad ng administrasyon.

Ikinagalak din ng PSAC ang desisyon ng Food and Drug Administration na pagbigyan ang kahilingan na magkaroon ng green lane program para sa mga gamot sa TB at HIV vaccine.

Sinabi ni Borromeo na mayroong 24 na drug manufacturers ang nagpahayag ng kahandaang gumawa ng anti-TB drugs subalit isa lamang para sa gamot sa HIV. (Aileen Taliping)

The post Mga drug manufacturer sa `Pinas gagawa ng gamot sa TB, HIV bakuna first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments