Walang puknat ang pagtulong ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pamumuno ni Ms. Virginia Ledesma Rodriguez makaraang mamigay ng pagkain at mineral water nitong Semana Santa sa libu-libong Pilipino.
Unang namigay ang grupo ni Ms.Rodriguez sa mga namamanatang Pilipino at nagsasagawa ng Visita Iglesia sa Simbahan ng Balut at Gagalangin sa Tondo noong Huwebes Santo habang sa Quiapo Maynila at Payatas Quezon City naman namigay noong Biyernes Santo.
Kasama ang mga lokal na lider ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pangunguna ni Ronald Castillo, sa kanilang pagtulong sa mga “less fortunate” na sinabayan ng Pabasa ng Pasyon ng mga mananampalataya tuwing panahon ng Kuaresma.
Matagal ng ginagawa ni Ms.Rodriguez ang panata ng pagtulong sa kapwa hindi lamang tuwing mahal na araw, maging sa panahon ng kalamidad at trahedya tulad ng mga nagiging biktima ng sunog at bagyo ay laging una sa pagtulong ang ACT-Agri Kaagabay Organization.
“Let us celebrate this great day of lent, full of love, happines and joy by removing the sorrow of our life” Ani Rodriguez.
Si Ms.Rodriguez ay simbolo ng katatagan ng mga myembro ng ACT-Agri-Kaagapay dahil sa kanyang pinakikitang kababaang-loob at pagmamahal sa mga mahihirap at Pag-Asa sa mga Pilipinong nangangarap na bumuti ang buhay.
Dahil sa mga pagtulong at kawanggawa ni Ms. Rodriguez, naipapakita na ang ACT-Agri Kaagapay Organisasyon ay tunay na Kaagapay ng mga Pilipino sa lahat ng oras at pagkakataon.
Nagpapasalamat si Ms.Rodriguez sa kanyang grupo at mga taong nagiging bahagi ng pagsusulong ng kanyang adbokasiya na balang araw ay walang Pinoy na magugutom.
Puwede ninyong i-follow sa FB na Queen Vi Rodriguez ang iba pang gawain at aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay.
Si Ms. Rodriguez ay dating Reporter, matagumpay na negosyante at Philantropo ay siyang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ginagamit ngayong gabay ng maraming magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.
The post ACT-Agri Kaagapay namudmod ng pagkain, tubig nitong Semana Santa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments