Aidric Chan makikirambol sa 30 silya

Puntirya ni dating Junior World champion Aidric Jose Chan lumundag sa professional mula sa matagumpay na pagiging amateur pag-akyat ng Davao mula Cagayan De Oro upang sumabak sa Philippine Golf Tour Qualifying School na bubuksan ngayon (Martes) sa South Pacific Golf and Leisure Estates.

Mataas ang nakataya para sa 107 contender, kabilang ang 34 international aspirants, na mga magtutuos sa 72-hole eliminations para sa 30 silya ng 16th Philippine Golf Tour 2024.

Dehins na bago kay Chan ang tagumpay may kilalang panalo sa boys’ centerpiece division ng Junior World sa San Diego noong 2019, parehong taon na sinungkit nila ni Rey Pagunsan ang pro-am championship sa Splendido na nagpapalakas ng loob sa kanya rito.

Pero nahaharap ang former Arizona Wildcat sa bigating kompestisyon mula sa matatalentong players na aasinta rin ng puwesto para sa taong itong PGT na sisiklab sa Mar. 12-15 sa kalapit na Apo Golf and Country Club.

Oorganisahin ang PGT Q-School sa taong ito ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc., na unang pagkakataong ilalatag sa Timog, kilalang pinagkukunan ng mga astig na golfer ng bansa. Sa kabaila na may bentahe ang mga lokal na manlalaro na pamilyar sa golf course, may dalang hamon ang mahahabang par-4s, banta sa mga bunker, magaspang na lupain at makinis na ibabaw.

Pagkaraan ng 60 butas, ang Top 60 at ties ang mga aabante sa final two rounds kung saan ang Top 30 ang makakasikwat ng Category 6 berths sa 2024 PGT circuit. Ang mga bagsak sa Top 30 ay ilalagay sa Category 7.

Sariwa pa sa pagpalo sa interclub tournament sa CDO, sasamahan si Chan nina Manila Southwoods teammates Lanz Uy at Ryan Monsalve sa Q-School. Ang iba pang umaasang mga amateur ay sina Timothy Co, Enzo Fregil, Marc Lu, Vince Lusterio Jr., Reynante Manulat, Tom Marcelo, Raul Miñoza, Edmar Salvador Jr. Niño Soberano, Airon Sorino, Sean Ty, Michael Uy at Luigi Wong.

Mangungunang local pro players ang mga pasikat na sina Kristoffer Arevalo, Josh Jorge, Leandro Bagtas, Jonas Magcalayo, Ivan Monsalve, Enrico Gallardo, Edward Reyes at Carlos Packing, kasama sina seasoned campaigners Rufino Bayron, Anthony Fernando, Elmer Saban at Mhark Fernando.

Ang international contenders na nagdagdag higpit sa kompetisyon ay sina former two-time Q-School topnotcher Toru Nakajima, kapwa Japanese Ueda Daiki, Koji Inoue, Masashi Kawaguchi, Kei Matsuoka, Tennoshin Ogawa at Daiya Suzuki.

Mga Korean na sina Minwoo Kim, Tae Soo Kim, Myungchal Hwang, Mingi Kim, Gyuhyun Lim, Gwon Minwook, Seungchan Park at Min Hyeok Yu, Australians Peter Stojanovski at Nathan Park at Thai Saksit Jairak. (Ramil Cruz)

The post Aidric Chan makikirambol sa 30 silya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments