Cynthia Villar binuking papirma ni Migz Zubiri vs kudeta

Ibinunyag ni Senador Cythia Villar na mayroong resolusyon na pinapaikot ang kampo ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagpapahayag ng suporta sa kanyang liderato sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Kaugnay ito ng patuloy na ugong ng sinasabing kudeta laban kay Zubiri upang patalsikin ang senador sa kanyang puwesto.

“No coup,” sagot ni Villar sa tanong kung papalitan ba si Zubiri bilang pinuno ng Senado.

“Eh nagpapa-sign si Senate President Zubiri, pano magpapalit eh siya ang nagpapa-sign ng support?” dagdag pa ni Villar.

Pero inamin ni Villar na hindi pa niya nakikita ang sinasabing resolusyon na pabor kay Zubiri.

“`Di ko nakita. Wala naman silang pinapa-sign sa akin,” ayon kay Villar.

Samantala, kinumpirma ni Senador Imee Marcos na may nagtatangkang palitan si Zubiri bilang lider ng Senado subalit hindi ito nanggagaling sa kanilang kapulungan.

“There’s a lot of pressure to change SP Zubiri but it’s all coming from outside the senate. So strange,” pahayag ni Marcos sa panayam ng mga reporter.

Tinawag naman ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na tsismis lang ang tangkang pagpapalit ng liderato sa Senado.

“Walang ganyan. Mga tsismis na ganyan but it’s all tsismis. It’s not true,” ani Revilla, kasabay ng pagsabing masaya naman sa liderato ni Zubiri.

Nakahanda rin si Revilla na pumirma sa “statement of support” sa oras na makarating ito sa kanya.

“I’m willing to sign the manifesto para sumuporta sa kanya,” ani Revilla.

Mariing pinabulaanan din ni Senador Jinggoy Estrada ang tsismis na nakahandang siyang palitan si Zubiri bilang Senate president.

“To quell all speculations, there’s no truth to it,” pahayag ni Estrada nang tanungin ng mga reporter tungkol sa tsismis ng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Sa tanong kung nakahanda siyang pumalit kay Zubiri bilang Senate president, sinabi ni Estrada na wala siyang balak agawin ang naturang puwesto. Wala rin umanong nag-alok sa kanya para maluklok sa puwesto ni Zubiri.

“No! Walang nag-offer. So what if I’m a senior senator? I have high respect to Senate President Zubiri,” ani Estrada.

Itinanggi rin ni Estrada ang sinasabing siya umano ang nangunguna sa planong pagpapatalsik kay Zubiri.

Samantala, inamin ni Estrada na nanganganib na mawala sa kanya ang chairmanship ng Senate committee on national defense and security, peace, unification and reconciliation.

“In case they remove [me], I’ll ask the leadership what the reason [is],” sabi ng senador. (Dindo Matining)

The post Cynthia Villar binuking papirma ni Migz Zubiri vs kudeta first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments