Sundalong galing lamay, bumulagang bangkay

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang miyembro ng Philippine Army na natagpuang patay at nakabulaagta sa gilid ng highway sa Barangay Baloybuan, Pagadian City, sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa report ng Pagadian City police, Linggo ng umaga nang madiskubre ang wala ng buhay na si Army Sargeant Erlito Guinalaran Pacaña, residente ng Barangay Langapod, Labangan, Zamboanga Del Sur.

Natagpuan itong kahandusay katabi ang kanyang motorsiklo.

Ayon sa mga kaibigan at kakilala ng biktima, huli itong nakitang buhay noong Sabado ng gabi sa lamay ng isang sumakabilang buhay na kapwa sundalo sa lugar.

Pinaniniwalaang naaksidente ito sa motorsiklo habang papauwi na mula sa lamay.

Pero isinailalim pa rin sa pagsusuri ang labi para malaman ang tunay na ikinasawi nito. (Ronilo Dagos)

The post Sundalong galing lamay, bumulagang bangkay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments