Dinomina ng siklistang magkapatid na magkaiba ang mga apelyidong dinadala at mga estudyante ng General Mariano Alvarez Technical High School ang matagumpay na ginanap noong Linggo (April 7) na 1st GMA Masayang Bayanihan Eagles Club 5K Fun Run 2024 paalis at pabalik sa Barangay Nicolasa Virata Basketball Court sa GMA, Cavite.
Ito ang pangalawang titulo sa takbuhan ni Genesis Almaras, 23, graduating sa May, pang-apat sa walong supling ng jeepney driver at housewife, makaraang makuha ang una sa Akro 5K Fun Run nitong March sa nabanggit ding bayan.
Bumuntot ang nakababatang utol niyang si Aldwin Moquia, 20, apelyido ng ina ang ginagamit at GMATHS grade 11, samantalang tumersera si John Kenneth Noche, 25, ng Philippine Coach Guard, at tubong San Pedroi City pero residente na ng Noveleta, Cavite.
Sina GMAMBEC president Michael Joseph ‘Mike’ Virata at director Richard Lara, kapwa GMA Municipal Councilor din, ang sumama kay club secretary Alvin Bardon sa pagkakaloob ng mga medalya, plake’t sertipiko sa Top 50 male/female winners.
Palibhasa’t katuwaan lang sa tunay na kahulugan nito, ‘di na gumamit ng timer ang GMAMBEC at si race official Edsel Colubio Jr. ng Bureau of Jail Management and Penology sa kaganapan na mga hinatid ng MIE Oro Plast Corp., LEM LAND Development Corp., MET Cares;
TALA, Guardian Bullies, RASMOTO, itel, JEM, RL, Mang Domeng’s Barbecue, Ren Tuatis, kAISA nyo sa serrbisyo, CarSiGMA Cong. Roy Royola, GMA Mayor Maricel Torres, Aqua Lara, Sophia Japan Surplus, JJH, ACEMO WASH.
Ipinahayag din Bardon na ang nailak na pondo ay iaayuda sa mga mahihirap na residente ng GMA at dahil sa naging maganda ang kinalabasan ng patakbo, plano nilang sundan pa ito. (Ramil Cruz)
The post Mag-utol na siklista 1-2 sa 1st GMAMBEC 2024 5K Fun Run first appeared on Abante Tonite.
0 Comments