Malakas mga ebidensiya laban kay Pastor Apollo Quiboloy – DOJ

Malakas ang mga isinampang kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy bukod pa sa mayroong direktang ebidensiya na magpapatunay sa lahat ng reklamong isinampa sa kanya, ayon sa Department of Justice.

Inihayag ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang audio statement ni Quiboloy kung saan naglatag ito ng mga kondisyon para lumantad siya at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Giit ni Remulla na hindi mga simpleng reklamo lamang ang mga ibinibintang laban kay Quiboloy kundi mga kasuklam-suklam na gawain ang mga alegasyon sa kanya.

“The charges against Quiboloy are not ‘simple.’ They involve serious and morally abhorrent offenses such as sexual assault of a minor and human trafficking,” sabi ni Remulla.

Kaya hinamon niya si Quiboloy na lumantad at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa hukuman.

Samantala, inaabangan na rin aniya ng DOJ na maglabas ng arrest warrant ang Pasig Regional Trial Court para sa qualified trafficking na isinampa rin laban kay Quiboloy. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Malakas mga ebidensiya laban kay Pastor Apollo Quiboloy – DOJ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments