WFP bilib sa food stamp program ni BBM

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa World Food Programme (WFP) sa positibong pananaw sa digital food stamp program ng kanyang administrasyon para mabigyan ng masustansiyang pagkain ang mga low-income na pamilya sa bansa.

Nakipagkita sa pangulo si WFP Executive Director Cindy McCain sa Malacañang at binati ang presidente sa aktibong partnership ng kanyang gobyerno sa WFP para sa implementasyon ng digital food stamp program.

Sinabi ni McCain na isang huwaran ang Pilipinas sa ibang mga bansa at hangad na magpatupad din ng kahalintulad na programa.

Tiniyak ni McCain kay Pangulong Marcos Jr. na magpapatuloy ang suporta ng WFP sa Pilipinas sa food stamp program, pati na ang iba pang pro-grama sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

Ang WFP ay tumutulong sa gobyerno para makamit ang seguridad sa pagkain at nutrisyon, mapababa ang malnutrisyon sa mga bata, at magpatupad ng mga aktibidad na pagkakitaan ng mga mahihirap na sektor alinsunod sa hangarin ng United Nations na maabot ang target na zero hunger. (Aileen Taliping)

The post WFP bilib sa food stamp program ni BBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments