Allein Maliksi pinalayo pa ang Meralco Bolts vs Ginebra San Miguel Gin Kings

Semis Game 4 sa Biyernes

(SM Mall of Asia Arena)

4:30 pm – Ginebra vs Meralco

7:30 pm – SMB vs Rain or Shine

Mula umpisang kinontrol ng Meralco ang laro, namuhunan ng 13-point lead pagkatapos ng first quarter bago ikinampay ang 87-80 panalo kontra Ginebra sa Game 3 ng kanilang PBA Philippine Cup semis sa Dasmariñas Miyerkoles ng gabi.

Dumalawang sunod na panalo ang Bolts tungo sa 2-1 lead sa best-of-seven, maagang nag-init si Allein Maliksi, tatlong tres ang ibinaon sa opening period at may 13 sa first half, hindi na nangulit pagbalik para tumapos ng 16.

Bumakas ng 14 points, 6 assists si Chris Newsome at 10 markers si John Quinto sa balanseng scoring ng Meralco na dumistansiya hanggang 59-42 sa bukana ng third.

Diyeta sa 10 points mula 3 of 10 shooting si Christian Standhardinger matapos umiskor ng career-high 41 sa Game 2.

Napuno hanggang tuktok ang Cavite venue, madaling araw pa lang ay may fans nang pumila. May mga hindi pa nakapasok.

Nalimitahan sa 16 points lang sa second quarter ang Ginebra at iwan na 48-34 sa break. Nabulabog ang Gins sa 1 for 10 shooting sa 3s sa first 24 minutes, overall ay 5/21 lang.

Higit 4 minutes pa sa laro ay nagsimula nang luminya sa exits ang halatang pro-Ginebra crowd pero napigil ang iba nang magsimulang pumukpok ang crowd favorites.

Inubos ni coach Luigi Trillo ang Meralco bench, bahagyang nag-relax ang mga nasa loob nakabalik ang Gins at nagawang ibaba sa 85-80 pero 16 seconds na lang sa orasan.

“Those last 5 minutes, we shouldn’t do that,” puna ni Trillo. “We’re up already, even if it’s … some of the other guys are in the game. We were just floating, we weren’t communicating, we can’t have that.”

Balik ng SM Mall of Asia Arena ang Game 4 bukas, Biyernes.

Sa unang sultada, sinalag ng San Miguel Beer ang rally ng Rain or Shine para ipreserba ang 117-107 win at 3-0 lead sa hiwalay nilang serye.

Nangangamoy sweep na ang SMB.

Pitong Beermen ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 23 ni CJ Perez na kumalawit pa ng career-high 14 rebounds at may 3 steals. May 21 si Marcio Lassiter mula limang 3s, 20 points at 11 rebounds kay Don Trollano. Limitado sa 11 points si June Mar Fajardo pero nagbaba ng 11 boards at may 2 blocks para lagpasan na si dating Beerman Yoyoy Villamin (708) sa No. 11 ng all-time career blocks list.

Hindi na masama ang anim na Elasto Painters na naka-12 points pataas pero kinapos pa rin. Namuno sa RoS ang 19 ni Beau Belga.

Mga iskor

Unang laro

SAN MIGUEL 117 – Perez 23, Lassiter 21, Trollano 20, Romeo 13, Ross 12, Fajardo 11, Tautuaa 10, Brondial 4, Cruz 3, Enciso 0.

RAIN OR SHINE 107 – Belga 19, Datu 14, Clarito 14, Nocum 14, Caracut 13, Santillan 12, Mamuyac 6, Asistio 6, Norwood 4, Demusis 3, Ildefonso 2.

Quarters: 25-24, 51-47, 91-85, 117-107.

Pangalawang laro

MERALCO 87 – Maliksi 16, Newsome 14, Quinto 10, Banchero 9, Hodge 9, Almazan 8, Caram 6, Bates 6, Torres 3, Pascual 2, Rios 2, Dario 2, Mendoza 0, Pasaol 0,

GINEBRA 80 – J.Aguilar 15, Ahanmisi 13, Standhardinger 10, Tenorio 9, Thompson 8, Pinto 6, Cu 5, Pessumal 5, Pringle 4, Onwubere 3, R.Aguilar 2, Murrell 0

Quarters: 31-18, 48-34, 72-59, 87-80. (Vladi Eduarte)

The post Allein Maliksi pinalayo pa ang Meralco Bolts vs Ginebra San Miguel Gin Kings first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments