Tuloy ang dominasyon nina Eliana Mendoza at Kvan Alburo sa 8-9 age category ng International Container Terminal Services, Inc. 2ndJunior Philippine Golf Tour 2024 Bacolod Visayas Series Martes, sumungkit na rin ng mga puwesto sa Philippine Junior National Match Play Championship.
Nag-deliver si Mendoza ng impresibong 84 upang mapanalunan ang 36-hole competition sa second consecutive week, tinapos ang total 169. Dinaig si Ana Marie Aguilar, na pumoste ng 236 tapos ng 114, habang tumersera si Faith Reosura sa 238 makalipas ang 120 sa masikip na Bacolod Golf and Country Club.
“I’m very happy, this win means a lot to me because I got to make my family proud,” dada ni Mendoza, 9 at buhat sa Cebu, na pinoste ang 30 points sa twin victories, kabilang ang sa Iloilo noong isang linggo.
Tinapatan ng kapwa Cebuana na si Alburo ang tagumpay ni Mendoza, nag-runaway win din sa Iloilo Golf Club. Dinomina uli ang mga karibal, kabilang sina Benedict Rolida at Benito Tiongko, sa two-day score 170 makaraan ang 87, sa likod ng mga birdie sa Nos. 2 at 4 sa ilalim nang mainit at maalinsangang panahon.
Pumangalawa si Rolida sa 195 tapos ng 95, samantalang pumangatlo si Tiongko sa 198, pagkatapos din ng 25-over (95) na kartada.
Tinapos ni Zuri Bagaloyos ang Cebu’s sweep sa second leg ng Bacolod series na inorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. Sinikwat ng Singapore School-Cebu student ang kumbinsidong panalo sa girls’ 10-12 division, iniresbak ang olats kay Cailey Gonzales sa Iloilo leg. (Abante TONITE Sports)
The post Eliana Mendoza, Kvan Alburo abante sa ICTSI-JPGT finals first appeared on Abante Tonite.
0 Comments