Bulkang Taal ratsada sa pagbuga ng asupre – Phivolcs

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na bawal pumasok sa permanent danger zone ng Bulkang Taal sa Batangas dahil patuloy ang pagbuga nito ng asupre.

“Sulfur dioxide (SO2) is the gas that we can smell. There are other gases that are also dangerous that we might not be able to detect like carbon dioxide which in large quantities can displace air and asphyxiate,” sabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol nitong Lunes, Hunyo 24.

Unang iniulat ng Phivolcs ang degassing activity ng Bulkang Taal na namonitor mula sa main crater nito ala-1:30 ng madaling-araw hanggang alas-7:55 ng umaga noong Sabado, Hunyo 22. Lumikha ito ng makapal na usok sa himpapawid na umabot ng 2,400 metro ang taas.

Ayon sa Phivolcs, mula pa noong Marso 2021 ang degassing activity ng Phivolcs.

Nagkakaroon umano ng ganitong aktibidad ang isang bulkan kapag nagkaroon ng kontak ang volcanic materials sa tubig na lumilikha ng pagsingaw at volcanic gases.

“Rain in the Taal area last week increased steam emissions, as rainwater seeped into the volcanic system and quickly turned into steam,” ayon pa kay Bacolcol. (PNA)

The post Bulkang Taal ratsada sa pagbuga ng asupre – Phivolcs first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments