Hindi otorisado ang paglalagay ng marking na “Romualdez Rice” sa ipinamimigay na bigas sa mga nangangailangang Pilipino.
Inihayag ito ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay ng kumalat sa social media na mayroong pangalan nito ang ipinamimigay na bigas.
“We haven’t sanctioned that,” sabi ni Romualdez sa isang ambush interview sa Manila Golf and Country Club sa Makati City nitong Lunes, Hunyo 24.
“So that will be rectified but the most important thing is that we bring rice to every Filipino table at affordable prices,” dagdag pa nito.
Hindi naging malinaw kung saan at kailan ginawa ang pamimigay ng mga bigas na may pangalan ni Romualdez.
Batay sa mga litrato sa mga nagdaang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair events, limang kilo ang ipinamimigay na bigas at walang pangalan ni Romualdez ang sako kundi ang label ng rice miller ang makikita rito. (Billy Begas)
The post House Speaker pumalag sa kumalat na `Romualdez Rice’ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments