Jema Galanza labis kinaaliwan sa indayog na mala-Beyonce

Trending ang pag-ala Beyonce ni Premier Volleyball League star Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ng Creamline Cool Smashers sa ginanap na Sisterhood Showdown FanCon 2024 sa Ynares Sports Arena sa Pasig nitong Linggo.

Kasama nila sa event ang sister team na Choco Mucho Flying Titans.

Makikita sa viral video ang pagsayaw ni Jema na ala-Beyonce sa kantang “Single Ladies”.

“Jema as Beyonce! Tuwang tuwa na naman si Jia sa kabaklaan ni Jema! Yung apir din ni Bea sa dulo!” bulalas ng isa sa mga nag-share ng video sa X.

“Take note ayaw pa niyang sumali nung una, pero bakit po bigay todo tayo Mareng Jema?” saad naman ng isa pa.

“Total Performer – Jema Galanza!Ikaw na talaga!” react ng isa pang fan. (Issa Santiago)

The post Jema Galanza labis kinaaliwan sa indayog na mala-Beyonce first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments