Bulkang Taal nagparamdam ng pagsabog

Nagparamdam ng pagiging aktibo muli ang Bulkang Taal matapos na magkaroon ng dalawang mahinang “phreatic or steam-driven event” mula sa pinakabunganga nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Unang naganap ang pagbuga ng makapal na usok ng Taal dakong alas-2:31 ng hapon at nasundan ito alas-2:39 ng hapon nitong Sabado, Hunyo 29. Higit isang minuto rin umano tumagal ang magkasunod na pagbuga ng usok ng Taal.

“The events produced steam-laden plumes that rose 800 meters above the Main Crater before drifting southwest based on IP camera monitors,” ayon sa Phivolcs.

Base pa sa monitoring ng ahensiya, nag-average ng 6,571 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) emissions ang Taal simula noong Biyernes, Hunyo 28.

Sabi ng Phivolcs, ang mahinang phreatic activity ng Taal ay posibleng sanhi ng patuloy na pagbuga nito ng mainit na volcanic gases mula sa main crate at maaaring masundan pa ang mga ganitong aktibidad ng bulkan.

Subalit sinabi rin ng ahensiya na malayong magkaroon ng magmatic eruption ang Taal.

Sa kabila nito ay patuloy ang pagmamatyag ng Phivolcs sa aktibidad ng Taal.

The post Bulkang Taal nagparamdam ng pagsabog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments