Kuryente mula sa basura

Pinagaaralan na ngayon ng gobyerno ang kumbersiyon ng basura para maging kuryente.

Sa pagbiyahe ng Pangulong Bongbong Marcos sa Brunei noongnakaraang linggo inihayag nito ang kahandaan ng kanyangadministrasyon sa “waste-to-energy technology” bilangpaghahanda sa Pilipinas mula sa ‘fossile fuel’ patungo sa‘renewable energy.’

Kung basura lamang ang paguusapan sangkaterba talagamayroon sa Pilipinas kapwa sa literal at piguratibangpakahulugan.

Kung maiko- convert nga naman sa kuryente o enerhiya angtone-toneladang basura na nakokolekta sa 17 lungsod sa Metro Manila at mga karatig na lugar mula sa Central Luzon at Calabarzon, maka-aambag ito para mapatatag ang ‘energy reserve’ na isinusuplay ng National Grid Corporation of the Philippines sa mga distribution companies tulad ng Meralco at mga electrive cooperatives.

Dahil sa El Niño, ang sektor ng enerhiya ay nahamon ng husto. Kaya naman ang lahat ng stakeholders, gobyerno at pribado ay kinakailangang magtulungan para sa matatag na suplay ng enerhiya ng bansa.

Maliban sa pagkukunan o source ng enerhiya, mahalaga rin anginfrastructure mula sa produksiyon ng kuryente patungo sa mgacustomer.

Malaki ang bahagi dito ng mga ‘electric cooperatives’ at ‘distribution utilities’ tulad ng Meralco.

At dahil napakahalaga ng kuryente, natural lamang na dapat may maayos , matatag at epiyenteng sistema ng paghahatid ng enerhiya sa lahat ng sektor ng lipunan.

Sa kasalukuyan sa mga distribution utilities sa bansa, angMeralco ang may pasilidad para sa episyenteng paghahatid ng kuryente sa mga consumer.

Katulad ng mga ‘electric cooperative’ at mga ‘public utilities,’ang Meralco ay nangangailangan ng legislative franchise bagayna dinidinig na ito sa Kamara at Senado.

At kahit sa 2028 pa mapapaso ang kasalukuyang prangkisa, ngayon pa lang ay may mga panukalang batas na iniharap saKongreso na naglalayong bigyan ng 25- taong prangkisa angMeralco matapos ang 2028.

Mahalaga ang mga magaganap na publikong pagdinig kaugnaysa panibagong prangkisa ng Meralco. Ang isyu sa ‘power generation at distribution,’ lalo na ang halaga ng kuryente ay mabubusisi.

Ayon nga kay Manong Joe Zaldarriaga tagapasalita ng Meralco, “transparent” ang kanilang ahensiya.

Sa anumang pagdinig, may dalawa ang mukha ng usapin, angmahalaga ay nakakarating sa publiko ang magandang serbisyokatulad ng kuryente na napakahalaga sa ekonomiya ng bansa at mga tahanan.

The post Kuryente mula sa basura first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments