Kuryente tumaas presyo pero sa Zambales, bumaba!

Mapapa-sanaol ka na lang talaga kapag may nakita kang mababa o murang bill sa kuryente.

Ganito kasi ang pakiramdam ng maraming residente sa Zambales na nagbabaan ang bill ng kuryente kahit panay ang gamit ng kanilang mga kasangkapang de kuryente dahil sa init ng panahon.

Panay ang post sa Facebook ng mga taga-Zambales na bumaba na raw ang kanilang bill sa kuryente at si Zambales Congresswoman Bing Maniquiz ang pinapasalamatan, huh.

Kaya siyempre hindi tayo maaring manahimik lang sa mga ganitong balita, lalo na’t maraming ordinaryong tao ang napagaan ang buhay.

Naki-Marites tayo kay Cong. Maniquiz at inalam kung anong diskarte ang kanyang ginawa bakit nakaramdam ng ginhawa ngayong tag-init ang mga suki ng Zameco.

Sabi nga ni Cong. Maniquiz dahil daw ito sa puspusang dayalogo na kanyang ginawa sa pagitan ng Zameco.

In fairness katuwang daw ni Congw. ang isa pang mambabatas sa Zambales na si Cong. Jhay Khonghun sa inisyatibong ito.

Early part pa raw ng 2023 nang makipag-usap ang kongresista sa Zameco at sa San Miguel Corporation (SMC) na supplier ng kuryente sa Zameco.

Maraming ikinunsiderang isyu partikular ang pagkakautang ng Zameco sa supplier ng kuryente at ang walang puklat na pagtaas ng generation charge.

Gayunpaman ay masidhi talaga ang hangarin ni Cong. Maniquiz na mabawasan ang bigat na dinaranas tuwing bayaran ng bills ng mga taga-Zambales.

Hiniling ni Cong. Maniquiz sa Zameco na mabawasan kahit P3 ang singil sa kada kilowatt ng kuryente para makagaan sa bawat pamilya.

Kaya nitong Abril matapos ang halos isang taong paghihintay ay nagkaroon na ang katuparan ang pakiusap ng napakasipag na kongresista sa Zameco at bumaba na nga ang singil sa kuryente sa Zambales.

Nag-ugat umano ito sa regular na monitoring ni Cong. Maniquiz sa presyo ng kuryente a Zambales. Kaya noong Oktubre nakaraang taon ay nagkaroon uli ng bidding sa pagitan ng Zameco at San Miguel kung saan ay bumaba na ang singil sa generation charge na siyang nararamdaman ng mga customer ng Zameco.

Mantakin ninyong kahit tuloy ang pagtaas ng generation charge dahil sa paiba-ibang presyo ng coal ay hindi apektado ang singil sa kuryente ng mga customer ng Zameco.

Malaking bagay talaga kapag ang isang kinatawan ay nagtatrabaho para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan dahil mayroong talagang positibong resulta.

Kay Congresswoman Maniquiz, isa na namang kabutihan ang naibigay n’yo sa bawat ama, ina sa Zambales na hindi na alam ang gagawing pagtitipid para lamang makabayad sa bawat kinukunsumong kuryente.

Kaya ba naniniwala akong kakayanin anuman ang hirap, basta’t may paggabay ang isang ina katulad ni Nanay Bing.

The post Kuryente tumaas presyo pero sa Zambales, bumaba! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments