LEDAC nilaglag ang Charter change

Wala ang pagretoke sa Saligang Batas o Charter change (Cha-Cha) sa mga panukalang batas na prayoridad na ipasa batay sa rekomendasyon ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para sa ikatlong sesyon ng 19th Congress.

Nagkasundo ang mga mambabatas at mga opisyal ng ehekutibo na gawing prayoridad para ipasa ng 19th Congress ang 28 panukala na mahalaga sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.

Gayunman, wala sa 28 panukala ang Cha-cha matapos ang ipinatawag na pulong ng LEDAC ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang noong Martes, Hunyo 25.

Sa halip ay kabilang sa 28 panukala ng LEDAC ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7652 o ang Foreign Investor Long-Term Lease Act.

The post LEDAC nilaglag ang Charter change first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments