DICT pinush batas sa mga chat app scam

Isinulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakaroon ng isang batas upang mabantayan at ma-regulate ang mga chat application gaya ng Viber, Messenger at Telegram laban sa mga scammer.

Inihayag ito sa press briefing sa Malacañang ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy dahil sa patuloy na paglaganap ng spam at scam messages mula naman sa mga chat application.

Ayon kay Dy, matapos ipasa ang SIM Registration Law, lumipat ang mga sindikato at scammer sa chat apps na hindi na kailangan ang SIM card kaya patuloy na namamayagpag ang mga ito sa kanilang panloloko.

Aniya pa, may mga nakahain nang panukala sa Kongreso para i-regulate ang mga chap app at kailangan na lamang itong i-follow up upang maipasa bilang batas.

“We also need to have proper laws in place to be able to regulate chat. Wala pa tayong regulation sa ganoon. We’re talking to Congress about this. There are various bills pending in Congress about it,” giit ng opisyal.

“Alam n’yo ba lahat nang na-hack sa Pilipinas dina-dump ang data through Telegram? But we don’t have a regulation to be able to ask Telegram to give us the identity of who is this person dumping data,” dagdag ni Dy. (Aileen Taliping)

The post DICT pinush batas sa mga chat app scam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments