Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipino na nangangarap magtrabaho sa ibang bansa na maging alerto sa iba’t ibang modus ng mga illegal recruiter.
Sa kanyang pagharap sa Bagong Pilipinas public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na dapat maging alisto ang publiko laban sa mga scammer sa social media.
Nagbigay ng tips si Sandoval sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa upang hindi maloko.
“We should always check and double check and triple check – iyan po iyong lagi kong sinasabi. Huwag po tayong basta-basta magpapadala ng pera sa kung sino-sino – iyan po ang usual na modus ng mga recruiter na ito, ng mga manloloko na ito,” babala ni Sandoval.
Magkakaiba aniya ang modus ng mga scammer para hikayatin ang mga posibleng biktima.
“Kung nais po nating magtrabaho abroad, madali na lamang po, bumisita po tayo sa website ng Department of Migrant Workers at doon po nakalista lahat ng legal na mga trabaho na maaari po nating apply-an. Huwag po tayong papatol sa mga iligal na offers na nakikita po natin sa social media,” mungkahi pa ni Sandoval. (Prince Golez)
The post Maging alisto sa trabaho abroad scam – Immigration spox first appeared on Abante Tonite.
0 Comments