Desisyon ni VP Sara umalis sa gabinete – PBBM

Maikli lamang ang naging sagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na ayaw na niyang magsilbi sa anumang puwesto sa gabinete.

Sa ambush interview ng media sa Pangulo sa Apayao kung saan bumisita ito, sinabi nitong nasa Bise Presidente na kung ayaw na nitong tumanggap ng ibang puwesto matapos magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd)

“Eh, okay, that’s her decision,” ang maikling sagot ng Pangulo sa mga mamamahayag.

Opisyal nang nag-turnover si Duterte ng liderato ng DepEd sa bagong kalihim nito na si dating Senador Sonny Angara.

Sinabi ni Duterte sa media noong Huwebes na matapos umalis sa gabinete ay hindi na siya tatanggap ng ibang puwesto at tututok na lamang sa kanyang tungkulin bilang Bise Presidente. (Aileen Taliping)

The post Desisyon ni VP Sara umalis sa gabinete – PBBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments