Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na magpapatupad ito ng “Rice-for-All”, isang programa na mag-aalok ng abot-kayang bigas sa lahat ng Pilipino.
Sa isang news forum, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra na sa mga darating na linggo, ibebenta sa “Rice-for-All” program ang bigas na mula P45 hanggang P48 kada kilo.
Wika pa ni Guevarra, ito’y para sa lahat at hindi lamang sa mga mahihirap na sektor.
Dagdag pa niya, kahit sino ay puwedeng bumili nang walang limitasyon.
Nilinaw naman ni Guevarra na hanggang isang sako lamang ng bigas ang maaaring bilihin.
Kasunod ito ng pagsisimula ng P29 Rice Program sa mga Kadiwa store sa Metro Manila at Bulacan noong Biyernes, Hulyo 5. (Issa Santiago)
The post P48 per kilong bigas ibebenta sa lahat – Agri exec first appeared on Abante Tonite.
0 Comments