Kumpiyansa at walang takot si Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa kanyang makatotohanang nasisilip para sa darating na 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris sa July 26-August 11.
“Definitely, we will deliver. Definitely, we will surpass Tokyo (Olympics),” ani Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex conferenmce hall sa Malate, Manila.
Narating ng Team Philippines ang pinakamataas na inabot sa Olympics tatlong taon na ang nakararaan sa Tokyo nang magwagi unang ginto sa pamamagitan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz kasama pa ang dalawang pilak at isang tanso mula sa mga boksingero na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial.
Ipinahayag ni Tolentino na ang lahat ay tumuturo sa isang katulad o mas mahusay na paghakot ng medalya sa Paris kung saan ang 22 Pinoy athletes sa pangunguna ni world No. 2 pole vaulter EJ Obiena at world champion gymnast Carlos Yulo at ang malakas boxing team ang nakatuon sa kanilang katanyagan, kapalaran at kaluwalhatian kasama ang iba pang mga atleta sa track at field, gymnastics, weightlifting, swimming, rowing, golf at fencing.
Hindi kinulang sa suporta, pagsasanay at motibasyon ang mga manlalaro. Hindi tulad noong mga taon na ang bansa ay walang anumang medalya — anumang kulay — sa Olympics.
Ang mga miyembro ng Team Philippines ay gumugol sa nakalipas na dalawang linggo sa Metz sa France, na 90 minuto lamang sa pamamagitan ng tren papuntang Paris, at 30 minuto sa pamamagitan ng lupa patungo sa Germany at Belgium, para sa huling yugto ng kanilang pagsasanay at acclimatization.
“With this template, with this preparation, we will deliver,” sey ni Tolentino sa Forum na mga sinusuportahan ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus. (Abante TONITE Sports)
The post Kinopo sa Tokyo kaya higitan sa Paris – Bambol Tolentino first appeared on Abante Tonite.
0 Comments