Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pasig City nitong Sabado na inilagay na sa ilalim ng state of calamity ang lungsod.
Ang pagdedeklara ng state of calamity sa lungsod ay inirekomenda rin ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council (PCDRRMC) sa pamamagitan ng Resolution No. 3, 2024.
Ipinasa ang resolusyon at inaprubahan sa special session ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig noong Biyernes.
Bukod sa Pasig ay nasa state of calamity na rin ang Malabon City dahil sa nagdaang super typhoon ‘Carina’.
Sinabi ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na pinahihintulutan ng resolusyon ang pagpapalabas ng calamity funds para sa humanitarian support at disaster relief.
Noong Huwebes, nagsagawa ng on-site inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga barangay sa lungsod.
Ito ay upang suriin ang pangangailangan ng mga apektadong residente at suriin ang patuloy na pagsasaayos ng Malabon-Navotas navigational gate.
Sinabi rin nito na ang parehong resolusyon ay nagbibigay ng awtorisasyon sa lungsod na gamitin ang Quick Response Fund FY 2024 nito upang maglaan ng pondo para sa mga programa ng relief at recovery. (Carl Santiago/Migo Fajatin)
The post Malabon, Pasig nasa state of calamity first appeared on Abante Tonite.
0 Comments