DPWH sinisi iskwater sa mga baradong flood control infra

Kabilang ang mga informal settler sa sinisi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung bakit nagbabara ang mga imprastrakturang ipinagawa nila laban sa pagbaha.

Sinabi ni DPWH Undersecretary Cathy Cabral nitong Sabado, Hulyo 27, na mahigit 600 ang flood control projects sa National Capital Region (NCR) ngunit ang mga informal settler naman ang nagbabara sa mga ito.

Bukod sa mga informal settler, inihayag din ni Cabral na lumampas na sa “carrying capacity” ang NCR.

Ipinunto ng opisyal na overpopulation na ang NCR na nakadagdag sa pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.

Sa kasalukuyan, mayroong 14.9 milyong populasyon ang Metro Manila. (Vincent Pagaduan)

The post DPWH sinisi iskwater sa mga baradong flood control infra first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments