Hinimok ni Senador Lito Lapid ang mga kasama niya sa Senado na agad pagtibayin ang inakda niyang panukalang batas para sa standardization ng suweldo at benepisyo ng mga opisyal ng barangay sa buong bansa.
Ginawa ni Lapid ang pahayag sa talumpati niya sa Good Governance Summit-2nd Provincial Liga Assembly-Liga ng mga Barangay ng Northern Samar Chapter sa Seda Hotel, Quezon City noong Miyerkoles, Hulyo 3.
Sinabi ni Lapid na inihain niya ang Senate Bill No. 270 o Act Standardizing the Salaries and Benefits of Barangay Officials noon pang Hulyo 11, 2022 ngunit nakabinbin pa rin ito sa committee level hanggang sa kasalukuyan.
Umaasa si Lapid na ikakalendaryo na ang pagtalakay sa kanyang panukala sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hulyo 22.
Samantala, nabigyan ng Good Governance Seal ang mga napiling barangay na nagpakita ng mahusay na serbisyo at nag-angat sa antas ng pamumuhay ng kanilang mga kababayan. (Dindo Matining)
The post Senado kinalampag sa dagdag-sahod ng mga barangay official first appeared on Abante Tonite.
0 Comments