PBBM: Mga gov’t worker may dagdag-sahod

Magkakaroon ng umento sa sahod ang mga kawani ng gobyerno, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 22.

Aniya, ibibigay ang dagdag na sahod sa apat na tranches upang matulungan ang mga manggagawa ng gobyerno sa kanilang mga pang-araw-araw na gastusin.

“Naglaan na po tayo ng pondo para dito simula sa taong ito at sa mga susunod na taon,” sabi ng Pangulo.

Bukod sa dagdag-sahod, inanunsiyo rin ng Pangulo ang pagkakaloob ng karagdagang medical allowance para sa susunod na taon.

Pinasaya rin ni Pangulong Marcos ang mga manggagawang contract of service at job order dahil pinalawig aniya ang serbisyo ng mga ito upang mabigyan ng sapat na panahon na maayos ang kanilang civil service eligibility at mga pagsasanay para umangat ang kuwalipikasyon.

“We have extended the services of our job order and contract of service personnel working in the government,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post PBBM: Mga gov’t worker may dagdag-sahod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments