Bagamat first movie ni Isabel Tique ang pelikulang ‘La Viuda,’ hindi mo siya makikitaan na baguhan sa pag-arte. Mahusay siya at isang ganap na aktres nang mapanood namin sa special screening.
Si Isabel ay kilala sa larangan ng fashion at beauty pageant pero nabigyan niya ng justice ang kanyang role bilang si Sofia.
Siya ay isang Filipino-American movie at event producer ng MBella Film Productions. Isa rin siyang designer, at pilantropo.
Magsisilbi siyang inspirasyon ng mga babaeng inabuso pag napanood ang kanyang pelikula.
Anyway, ang MBella Film Productions ang producer ng movie na “La Viuda,” isang drama na sumasalamin sa nakakapangilabot na biktima ng karahasan sa tahanan. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Neal Tan.
Tampok din sa pelikula sina Gino Ilustre,Oskar Peralta,Malu Barry, Jet Alcantara, Myrna Castillo, Julie Ann Fortich, Azenith Briones at Isadora. Binibigyang-buhay ng stellar cast na ito ang isang mapangahas na kuwento na tatatak sa mga manonood.
Ang naturang pelikula ay magdudulot ng katatagan at lakas dahil sa karakter ni Isabel.
Sa kabila ng mga hamon at naranasang karahasan, determinado siyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at makamit ang hustisya.
Ang “La Viuda” ay hindi lamang isang pelikula; may mensahe ito sa kahalagahan ng katatagan sa harap ng dinaranas na kahirapan. Tumatalakay ito sa pakikibaka ng pang-aabuso sa tahanan at hindi natitinag na paghahangad ng dignidad at kapayapaan.
Ang adbokasiya na pelikulang ito ay suportahan ang mga inaabuso at binubugbog na kababaihan sa Pilipinas, Itinalaga nila ang Ephesus Home for the Abused Foundation bilang beneficiary ng movie.
Ang “La Viuda” ay isang pelikulang dapat panoorin na mag-iiwan ng lakas at determinasyon.
The post Isabel inspirasyon nga mga babaeng inabuso first appeared on Abante Tonite.
0 Comments