Quarrying sa Marikina watershed pinasisilip

Inihain ng Makabayan bloc ang resolusyon na humihiling sa Kamara de Representantes na imbestigahan ang nadiskubreng illegal construction at patuloy na quarrying sa Upper Marikina Watershed na isa sa mga tinutukoy na ugat ng naranasang malawakang pagbaha sa Metro Manila noong bagyong Carina.

Pinangunahan ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang paghahain ng House Resolution 1908 na humihiling sa House Committee on Natural Resources na pangunahan ang imbestigasyon kaugnay sa nakakaalarmang aktibidades na ito sa Marikina watershed na hindi lamang ilegal kundi naglalagay ito sa matin¬ding panganib sa buhay at kaligtasan ng milyong Pilipino.

“The rampant deforestation and illegal activities in the Upper Marikina Watershed have reached an alarming state. Ito ang nagpapalala ng pagbaha, nagdudulot ng paglikas ng libo-libong mamamayan, at naglalagay sa panganib sa napakaraming buhay,” ayon kay Brosas,

Sa budget deliberations ng panukalang 2025 budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), inamin nito na mayroong 510 istruktura ang nag-operate sa ilalim ng protected area habang ang quarrying activities ay walang tigil. (Eralyn Prado)

The post Quarrying sa Marikina watershed pinasisilip first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments