Dinala sa Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na Chinese crew ng isang Philippine-flagged dredging vessel na naka-angkla sa Navotas Port noong Linggo, Setyembre 15.
Iniimbestigahan ngayon ng PCG ang anim na umano’y mga undocumented Chinese.
Ayon sa ulat ng PCG, nangako umano ang mga nasabing Chinese crew na ipapakita ang kanilang mga dokumento nitong Lunes, Setyembre 16.
Nakikipag-ugnayan naman ang PCG sa Bureau of Immigration upang beripikahin ang kanilang dokumento para sa isasagawang imbestigasyon.
Sakaling mapatunayan ang kanilang paglabag sa maritime at immigration regulations ay posibleng ipa-deport ang mga ito at maaari rin pagmultahin ang kanilang kompanya.
Makikipag-ugnayan na rin umano ang PCG sa Department of Foreign Affairs at Chinese Embassy. (Just Ignacio)
The post 6 undocumented Chinese crew ng barko sa Navotas, kinalawit first appeared on Abante Tonite.
0 Comments