Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagbuo ng isang technical working group (TWG) upang ilatag ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pagkuwenta ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga bilanggo na hinatulan dahil sa karumal-dumal na krimen.
Inanunsyo ito ni Catapang kaugnay sa desisyon ng Supreme Court (SC) na may karapatan din sa ilalim ng Republic Act No. 10592 o GCTA Law, ang mga bilanggo na nasangkot sa karumal-dumal na krimen.
“We have to determine how to recompute the time allowance due the PDLs whether the computation will be based on the date of their detention or based on the date they are transferred in Bucor,” sabi ni Catapang.
Kailangan aniya na maging maingat para hindi na maulit ang nangyari dati kung saan pinalaya ang mga bilanggo matapos dayain umano ang kanilang GCTA kapalit ng malaking halaga.
Base sa datos ng BuCor, nasa 27,311 bilanggo ang hinatulan dahil sa mga karumal-dumal na krimen ang nakakulong ngayon sa iba’t ibang pasilidad ng ahensiya sa buong bansa. (Prince Golez)
The post BuCor pinaplantsa GCTA para sa mga heinous crime convict first appeared on Abante Tonite.
0 Comments