Mga gov’t worker dapat buong puso maglingkod – PBBM

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kawani ng gobyerno na manatiling tapat, responsable at transparent sa pagsunod sa kanilang mandato bilang mga lingkod bayan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan ang pagkakaloob ng parangal para sa mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers na ginanap sa Malacañang, Miyerkoles ng umaga, Setyembre 18.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang epekto ng trabaho ay hindi nasusukat lamang sa natatanggap na parangal, kundi nasa puso ng mga natulungan, naserbisyuhan at nagbago ang buhay.

“Let us continue to live by our constitutional mandate that public office is a public trust. We should remain transparent, accountable to all our people and to serve them with integrity, loyalty and efficiency,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga inisyatibang ginawa ng ilang pinarangalan ay ang pag-convert sa eco park sa isang abandonadong fishpond sa Iloilo na tinaniman ng mga bakawan ng mga volunteer; at ang pangangalaga naman ng isa pang awardee sa kalusugan ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDL).

Sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga ganitong manggagawa ng gobyerno para magsilbing inspirasyon sa mga kapwa kawani at sa mga tao upang gumawa ng mga inisyatibang makakatulong sa komunidad, lipunan at sa institusyon. (Aileen Taliping)

The post Mga gov’t worker dapat buong puso maglingkod – PBBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments