Cess pilya sa kama

Hindi nababakante sa Vivamax si Cess Garcia. Mabenta siya sa paggawa ng pelikula.

Wapakels siya kung lalaki o babae man ang ‘katikiman’ niya sa eksena, Streaming na sa Vivamax ang pelikula niyang “Pilya”, ang kwento ng isang Queen Bee at ng kanyang wanna-be bestie.

Si Cess Garcia ay gumanap bilang si Jules. Sikat dahil parte siya ng grupo ni Dahlia. Feeling niya na siya ang best friend ni Dahlia (Dyessa Garcia)pero ang totoo ay ginagawa lang siyang utusan nito. May lihim na gusto si Jules kay Dahlia.

Sa pagdating ng bagong estudyante na si Nessa (Dani Yoshida) nakaramdam ng selos si Jules dahil nagiging malapit ito kay Dahlia. Sa kagustuhan niyang magkalayo ang dalawa, magpapakalat ng tsismis si Jules na may relasyon si Nessa sa kanilang gwapong teacher na si Prof. Lopez, ginagampanan ni Chester Grecia.

Ano kaya ang mapapala ni Jules sa ginawa niyang ito?
Panoorin si Cess sa “Pilya” mula sa direksyon ni Dustin Celestino.

Sa ngayon nasa New Zealand si Cess at ginagawa ang pelikulang “Hiram.” Kasama niya sina Itan Rosales at Rica Gonzales.
Masasabi ba niyang pilya siya sa kama?
“Opo he!he!he! Lalo na po dito sa ‘Hiram,’ pakli niya. (Roldan Castro)

The post Cess pilya sa kama first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments