VP Sara Duterte nasilipan pa: P500M secret fund, ubos sa 7 buwan

Ikinabahala ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun ang umano’y kuwestiyonableng paggamit ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng confidential funds kung saan naubos ang P500 milyon sa loob lamang ng pitong buwan.

Ayon kay Khonghun, gumastos ang Office of the Vice President (OVP) ng P125 milyon mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022; P125 milyon mula Pebrero 6 hanggang Marso 29, 2023; P125 milyon mula Abril 25 hanggang Hunyo 30, 2023; at P125 milyon mula Hulyo 14 hanggang Setyembre 30, 2023.

Sa P500 milyong ginastos, kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggastos sa kabuuang P237 milyon kung saan nagpalabas ito ng Notice of Disallowance sa P73.3 milyon na ginastos noong Disyembre 2022, at Audit Observation Memorandums (AOM) para sa P164 milyon na ginastos sa tatlong quarter ng 2023.

“The P73 million disallowed by COA is just the beginning of a broader pattern of seeming misuse or mismanagement of government funds, as an additional P164 million has been flagged in audit observation memorandums (AOMs),” sabi ni Khonghun.

Naalarma ang mambabatas dahil sa tinawag nitong “disturbing pattern of misuse or mismanagement” sa pondo ng gobyerno kaya’t dapat lamang aniyang ipaliwanag ito ni Duterte sa publiko para sa transparency at accountability. (Billy Begas)

The post VP Sara Duterte nasilipan pa: P500M secret fund, ubos sa 7 buwan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments