Dahil sa umiiral na economic sanctions laban sa Russia nanatiling “volatile” ang global supply ng pagkain lalo na ng produktong petrolyo.
Hindi na nagbalik sa dating presyo ang halaga ng pagkain pangunahin na ang mga butil pati ang mga tinatawag na “hydrocarbons” matapos pasabugin ng hinihinalang bayarang grupo ng NATO ang pipelines ng Nord Stream sa Eastern Europe.
Sa pipelines na ito dumadaan ang mga petrochemical at ibang krudo na kailangan ng mga bansa sa Europa.
Resulta, tumaas ang halaga ng carbon na pangunahing sangkap sa produksiyon ng kuryente.
Ang mga kaganapang ito ay may negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Dahil nakadepende sa fossil fuel ang energy requirement ng Pilipinas, ang economic sanctions laban sa Moscow – sa kumpas ng Estados Unidos at mga kaalyadong bansa – ay malaking dagok sa bansa, ganon na rin sa iba pang maliit na bansa na hostage sa hindi matatag na presyo ng krudo sa world market.
Ayon nga sa World Nuclear Association (WNA), tataas ang demand sa kuryente ng Pilipinas sa 2040.
Ngayon pa nga lang nadarama na ito ng publiko lalo na sa mga probinsiya at malalayong lugar.
Ang pagkakaroon ng economic sanction laban sa isang bansa ay patunay lamang na hindi epektibo.
Ang kumikita lamang ay ang mga piling grupo, ang malungkot pinilay at pinadapa ang ekonomiya ng daigdig.
Dapat isulong ng mga regional bloc tulad ASEAN, APEC at iba pang samahan ng mga bansa sa rehiyon ng Asya at Pasipiko na kabilang ang Pilipinas ang pagbasura sa economic sanction hindi lamang laban sa Russia kundi ganon na rin sa ibang bansa na hindi sumusunod sa kumpas ni Uncle Sam at kaalyado nito.
Nasa “Ber” months na tayo. Kaya naman ang nakatagong Christmas Tree ay ilalabas na. Dapat may “liwanag ang buhay” ngayong kapaskuhan, ayon nga sa Meralco.
Sa ngayon ang paggamit ng mga modular reactor (mobile nuclear power plant) ay pinag-aaralan na ng gobyerno.
Sa huling bisita ni PBBM SA Washington isang kasunduan ang nilagdaan sa paggamit ng Pilipinas ng modular reactor.
Maganda ang hangarin lalo na ang pagkakaroon ng matatag, mura at episyenteng suplay ng kuryente.
Subali’t ayon sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang teknolohiyang ito ay nangangailangan pa ng malawak na pag-aaral.
Hindi lamang dapat umasa ang Pilipinas sa isang partner.
Ang teknolohiya ng mga bansang gumagamit ng nuclear energy ay dapat ding tingnan.
Ang karanasan ng bansang Japan, China, South Korea at Russia, hindi lamang ng US pagdating sa nuclear energy ay dapat tignan.
Maraming pagpipilian, mas maganda.
The post Maraming pagpipilian, mas maganda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments