Nangangamba ang mga Zamboangueno sa kumakalat sa social media kung saan sinasabi ng isang mambabatas na dapat maibalik sa lokal o lehitimong taga Zamboanga ang isang electric provider sa lugar.
Ayon dito, ito ay dahil pinapatakbo ng isang kompanya na mula sa Kamaynilaan.
Ipinagtataka ng mga Zamboangueno ang tila pagnanais ng politiko na agawin ang ilang negosyo na tumatakbo sa probinsya gaya ng kuryente o Zamboanga City Electric Cooperative (Zamcelco).
Marahil ito rin ay dahil umano sa gumagandang pagpapatakbo ng elektrisidad sa Zamboanga ay tila napapag-interesan ng ilang pamilya na nasa politika.
Reaksyon ng ilang taga probinsya, sa halip na manghikayat ng mga investors o mamumuhunan sa probinsya ay tila nais nilang itaboy para sa sariling interes.
Ang nasabing usapin ay kaugnay sa nagpapatuloy na talakayan tungkol sa planong paghahain ng resolution para sa potensyal na termination ng kontrata sa pagitan ng Zamcelco-Crown Investment Holdings Inc.– ang power distribution facility na nagpapatakbo ng kooperatiba mula noong 2018 dahil sa P4.6 bilyong utang.
Sinabi ng Zamcelco na ang hakbang ng mambabatas ay hindi kasama sa agenda.
“He should further be reminded that Section 10 of Republic Act 10531 provides that “the management, operations, and strategic planning of electric cooperatives, shall, as much as practicable, be insulated from local politics,” komento ni Atty. Estrella Elamparo, legal counsel ng ZAMCELCO Board of Directors sa nangyaring 45th annual assembly ng Zamcelco kung saan iginigiit ng mambabatas ang terminasyon sa investment management contract.
Nilinaw din na tanging ang board of directors ng Zamcelco ang maaaring kumilos kung itutuloy o wakasan ang kontrata at ang hukuman lamang ng batas ang maaaring magpasya na bawiin ang isang kontratang naisagawa nang nararapat.
Sayang naman ang magandang takbo ng Zamcelco kung papasukan ng mga nasa politika, lalo na’t maayos naman pala ang takbo.
The post Huwag pasukan ng politika first appeared on Abante Tonite.
0 Comments