Pasado sina dating unified world super-bantamweight king Marlon Tapales at karibal na Indian sa mga timbang nitong Biyernes bago mgbanatan ngayon (Sabado) sa Olympic Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.
Nagpatak ang kaliweteng Pinoy boxer na magdedepensa ng World Boxing Council Asian Continental super-batntam crown, ng 121.7 lbs. samantalang si Saurabh Kumar ay 120.6 lbs.
“This is a major step towards another shot at the world title for Marlon,” deklarasyon ng promoter ng fighter na si JC Mananquil.
Mataas ang rating ni Tapales sa apat na world boxing body at nakaposisyon para sa mababakanteng world title kapag binitiwan na ni Naoya Inoue ng Japan para kumampanya sa featherweight ranks.
Presentado ng Wurks Energy Drink at KKIF, sigurado ang maaksiyong bugbugan sa gabi ng slugfest.
Lumapag si Tapales at kanyang team sa Phnom Penh noong Miyerkoles. (Abante TONITE Sports)
The post Marlon Tapales itataya titulo ng WBC Asia kontra Indian first appeared on Abante Tonite.
0 Comments