Ako Bicol Cong Elizaldy Co kinasa P82B budget ng hudikatura

Tinukuran ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang panukalang P82.4 bilyong budget ng hudikatura para sa 2025.

Sinabi ni Co na makatutulong ang panukalang pondo upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng hudikatura gaya ng maraming kasong nakabinbin na nagsisilbing banta sa hustisya ng bansa.

Ayon sa mambabatas, inilunsad ni Chief Justice Alexander Gesmundo at ng Court En Banc ang Strategic Plan for Judicial Innovations: 2022-2027 na naglalatag sa plano at mga proyekto na kailangan upang maabot ang kanilang target.

“The primary goal is to ensure that the Philippine judiciary operates with the utmost competence, efficiency, and efficacy, thus improving the delivery of justice and creating a more responsive and expedient justice system,” sabi ni Co.

Sinabi ni Co na ang hudikatura ay nakapagpatupad ng mga programa at aktibidad para mas maging episyente at epektibo ang kanilang mga proseso bukod pa sa pagpuno sa mga bakanteng posisyon, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa pagtatayo at pagpapaayos ng mga Hall of Justice sa buong bansa. (Billy Begas)

The post Ako Bicol Cong Elizaldy Co kinasa P82B budget ng hudikatura first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments