Umiskor ng 11 at kumalawit ng 13 rebounds si Quentin Millora-Brown para pamunuan ang University of the Philippines na katayin ang Far Eastern University, 69-58, sa 87th UAAP Men’s Basketball Tournament first round eliminations nitong Linggo ng gabi sa Big Dome.
Baligtaran ang rekord ng dalawa – solo lider a rin ang Fighting Maroons sa malinis na barahang 4-0 (won-lost) samantalang 0-4 at nasa ilalim ng 8-team cagefest ang Tamaraws.
Sa pangkalahatan balanse ang opensiba ng Dilman-based squad na humarabas sa second period upang pahabain pa ang bangungot ni Morayta-based squad coach Sean Chambers.
Tinuloy ng Peyups ang atake, 20-7 sa final quarter makaraan ang dikit na opening period sa 19-15. Lumayo na ang State U pagkaraan sa 39-22 sa halftime, at maging sa third, 55-37.
Si Francis Lopez ang aktuwal na bida sa scoring sa kinamadang 13, may 9 markers si Jay Felicildasa at 7 si JD Cagulangan para sa UP.
‘Di nasagip ang FEU sa pinagsanib na 43 puntos nina Adam Nakai (12), Jorick Bautista (11) at Veejay Pre (10).
Nagsalpak naman si John Abate ng 20 points at sinalag ng University of the East (2-2) ang balikwas ng defending champion De La Salle University (3-10 para sorpresang maikasa ang 75-71 desisyon.
(Gerard Arce)
The post Qentin Millora-Brown pukpok, Peyups pinaluhod Tamaraws first appeared on Abante Tonite.
0 Comments