Angeline Poyos sobra bangis, Sto. Tomas nalusutan pa UE

Iniahon ni Angeliine Poyos sa two sets down ang Santo Tomas Golden Tigresses tungo sa reverse sweep win kontra UE Lady Red Warriros, 23-25, 23-25, 25-14, 25-17, 15-9 sa 3rd Shakey’s Super League Women’s Collegiate Pre-Season Championship nitong Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagkamada siya ng 28 points tampok ang 25 attacks at 3 blocks na sinandalan ng UST para manatiling walang bahid dumi sa ikaapat na sunod na panalo at pagwalis din sa Pool B. Bagsak sa ikalawa ang biktima sa 3-1.

“Nag-stick lang kami sa sistema at sinunod ang mga coach, communication din at enjoyment sa laro kung kaya kami nakabawi,” bulalas ni Boholana at reigning UAAP Rookie of the Year Poyos. ”Kalmado lang din, kapag nagkamali ay balik lang sa laro at bawi.”

Kasabwatan ni Poyos din sina opposite hitter Regiina ‘Reg’ Grace Jurado na umiskor ng 15 puntos at wing spiker Jonna Chris Perdido na may 14. Naka-8 markers si middle blocker Athena Sophia Abbu habang may pito si Kyla Elvie Cordora.

Dehins kineri ng UE ang pinagsanib na 28 puntos nina Casiey Monique Dongalo (14) at Jelaica Faye Gajero (14). (Lito Oredo)

The post Angeline Poyos sobra bangis, Sto. Tomas nalusutan pa UE first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments