Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Commission on Elections (Comelec) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na lumikha ng epektibong sistema ng pagbabantay upang agad na matanggal ang mga artificial intelligence (AI)-generated deepfakes na inaasahang magsusulputan sa 2025 midterm elections.
Ngayong taon ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa midterm elections kung kaya’t kilala na aniya ang mga posibleng maging biktima ng deepfake.
Noong nakaraang buwan ay kinalampag na rin ni Villafuerte ang Comelec para maglabas ng mga alituntunin sa paggamit ng AI technology sa paparating na halalan.
Sabi ni Villafuerte, napakalaki ng posibilidad ng digital misinformation at disinformation sa halalan samantalang limitado naman ang kakayahan ng gobyerno para sugpuin ito.
Samantala, base sa Comelec Resolution No. 11064, dapat mayroong full disclosure sa paggamit ng AI technology sa online election campaign material at tatanggalin ang mga poll-related information na ginamitan ng AI tools kung ito ay walang malinaw na pagsasapubliko kung sino ang gumawa o nagpakalat nito.
Base sa alituntunin ng Comelec, ang election period ay mula Enero 12 hanggang Hulyo 11, 2025. (Billy Begas)
The post Comelec, DICT kinakalampag na vs AI deepfake sa Halalan 2025 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments