Barado ang basket ng Ynares Center sa Antipolo sa Ginebra, ayaw magpasukan ang mga tira lalo sa malayo noong Linggo.
Resulta ay 104-88 loss ng Gin Kings sa TNT sa Game 1 ng PBA 49 Governors Cup Finals.
Na-neutralize ang outside shooting nina Justin Brownlee, RJ Abarrientos, Scottie Thompson, Maverick Ahanmisi, Stephen Holt.
Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ang 2 for 21 shooting (9.5 percent) ng Gins sa tres ang pinakamasagwang clip sa PBA Finals sa nakalipas na isang dekada.
Mas maganda-ganda lang ito ng konting-konti sa 1 for 13 (7.7 percent) clip ng San Mig Coffee sa Game 1 ng 2014 Commissioner’s Cup title series. Kagandahan sa larong ‘yun, tinalo pa rin ng San Mig ang Talk ‘N Text 95-80 at nagtuloy ang Mixers para sikwatin ang second leg ng kanilang grand slam season.
Si Tim Cone din ang coach ng San Mig sa team na ‘yun.
“They’re an outside shooting team, eh, so they really rely on their 3-point shooting,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes.
Overall ay 30 of 77 sa field (39 percent) ang Gins, supot ang mga tira ng gunners.
Sina Thompson at Abarrientos lang ang sinuwerteng nagbaon ng tig-isang tres, pero kinailangan nila ng 10 tira.
Sina Brownlee, Ahanmisi, Holt at Raph Cu ay 0 for 10 combined sa 3s. Si Brownlee na pinakaasintado sa labas ng 4-point line ay 1/5 lang sa range na ‘yun.
“There are days that they’re going to be off, but that’s not going to be everyday,” warning ni Reyes. “That’s why I said (sa players) we have to be prepared for the next game because we know hindi palaging ganyan.”
Hindi pa nadadalawahang sunod na talo ngayong playoffs ang Gins, asahan ang counter-attack sa Game 2 sa Smart Araneta Coliseum sa Miyerkoles. (Vladi Eduarte)
The post Justin Brownlee, Ginebra gigil rumesbak vs TNT sa Game 2 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments