STANDING
TEAM W L
St. Benilde* 12 2
Mapua* 11 3
San Beda 9 5
Aguinaldo 7 7
Letran 7 8
Lyceum 6 8
Perpetual 6 9
Arellano 5 9
Jose Rizal 4 10
S. Sebastian 4 10
*Swak sa Final Four
Mga laro sa Nob. 5
(Filoil Ecooil Arena)
11 a.m. – Lyceum vs San Sebastian
2:30 p.m. – Jose Rizal vs Arellano
Binalikat uli ni Justine Sanchez ang St. Benilde Blazers sa pagtumba sa Perpetual Help Altas, 61-56, sa NCAA Season 100 Men’s Basketball Tournament second round eliminations rematch nitong Miyerkoles ng hapon sa Filoil Ecooil Arena.
Kumana siya ng game-high 16 points at may 6 rebounds pa para sa Taft-based squad na humaba ang ragasa sa anim sa pag-iisa sa tuktok sa pangkalahatang 12-2 (win-loss) na kartada.
Si Sanchez din ang rumatrat kontra mga basketbolista ng Las Piñas sa first round noong Sept. 18, 78-51, na rito’y umiskor siya ng 13 habang bumakas ng 12 si Tony Ynot.
Lumapit din ang CSB sa twice-to-beat incentives na igagawad sa top 2 finishers pagkatapos ng 18-game elims ng 10-team men’s cagefest.
Pero sa halip saluduhan, dismayado pa si Charles Tiu sa niladlad ng kanyang mga bataan.
“We haven’t been closing out games well the last two outings, and it’s something we definitely need to fix. I’m not satisfied with how we’re ending games,” himutok ng Blazers coach.
Plakda ang UPHSD sa pang-siyam na talo sa 15 salang at tumagilid sa paghahabol sa semifinals.
Iskor
St. Benilde 61 – Sanchez 16, Liwag 10, Torres 6, Sangco 5, Oli 5, Cometa 5, Turco 5, Ynot 4, Eusebio 2, Jarque 2, Ondoa 1, Ancheta 0, Morales 0, Cajucom 0.
Perpetual Help 56 – Pagaran 18, Gojo Cruz 15, Boral 5, Manuel 5, Abis 4, Pizarro 3, Movida 2, Nuñez 2, Gelsao 2, Thompson 0, Montemayor 0.
Quarters: 20-12, 38-22, 51-34, 61-56. (Elech Dawa)
The post Justine Sanchez bida muli sa pagsalya ng Blazers vs Altas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments