JM Ronquillo, Cignal ibinunton ang ngitngit sa Martelli Meats

STANDING

TEAM W L

DN Steel-FEU Ultras 3 0

Savouge Spin Doctors 3 0

Criss Cross King Crunchers 2 0

EcoOil–La Salle Green Oilers 1 0

Cignal HD Spikers 2 1

PGJC-Navy Sealions 2 1

VNS Griffins 1 2

D’ Navigators Iloilo 1 3

Martelli Meats Master Butchers 0 4

Chichi DHTSI Brotherhood Titans 0 4

Mga laro sa Linggo

(PhilSports Arena)

2 p.m. – EcoOil La Salle vs ChiChi DHTSI

4 p.m. – DN Steel vs Volleyball Never Stops

6 p.m. – Criss Cross vs Cignal

Ibinangon ni JM Ronquillo ang Cignal sa huling pagkakadapa, kinalos ang Martelli Meats, 25-10, 25-15, 25-12 sa 7th Spikers’ Turf Invitational Conference preliminaries nitong Miyerkoles ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Lupaypay sa five-set upset loss kontra Savouge Spin Doctors noong Biyernes, kumana si Ronquillo ng krusyal na nine points at four excellent digs sa pinagdiskitahan ng HD Spikers na Master Butchers sa liga na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

“Gusto ko lang makabawi sa last game namin,” matipid na bulalas si Ronquillo.

Dominado ng Cignal na sumampa sa 2-1 (win-loss) record at kinapitan ang pagsosyo sa panglimang puwesto, ang Martelli sa attacks, blocks at overall defense sa torneong mga hatid ng ArenaPlus, Mikasa, at Alpha Insurance & Surety Company.

Napapanood ang mga laro sa One Sports, One Sports+, Pilipinas Live app at Spikers’ Turf website, bagsak ang Butchers sa 0-4 kakartada ang tinablahahan sa pangsiyam at kulelat na Chichi DHTSI Brotherhood Titans.

“We are beatable. So kung magiging complacent kami, lahat ng team gusto kaming talunin. Kami ang defending champion na rin and we’re here for the past 11 years. Marami na kaming championship na nakuha,” reaksiyon ni Cignal coach Dexter Clamor.

Sa likod naman ng 20 pts. ni Toto Dela Vega, tinimbog kinagabihan ng PGJC Navy (2-1) ang D-Navigators Iloilo (1-3), 25-20, 25-18, 19-25, 25-19. (Elech Dawa)

The post JM Ronquillo, Cignal ibinunton ang ngitngit sa Martelli Meats first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments