Tinawag ng Office of the Vice President (OVP) na ‘inaccurate at misleading’ ang sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na tinanggap ng ahensiya ang lahat ng referrals o paghingi ng tulong ng OVP.
“The claim by Secretary Rexlon Gatchalian that the Department of Social Welfare and Development has accommodated all referrals from the Office of the Vice President is inaccurate and misleading,” ayon sa inilabas na pahayag ni OVP Director for Operations Norman Baloro.
Giit pa nito, “While such statements may paint a picture of seamless coordination between our two offices, the reality on the ground tells a different story.”
Marami umanong pagkakataon na tinanggihan ng ahensiya ang kanilang referral tulad na lamang ng mga naapektuhan ng African Swine Flu na humingi ng tulong.
“The request was denied because the DSWD claimed that they cannot do “mass payout,” and yet they are able to do it in other areas, together with other politicians,” ayon sa pahayag.
May mga malinaw din umanong ebidensiya ang iba’t ibang OVP Satellite Offices na kung saan ilang mga kliyente na ni-refer ng OVP ay hindi inaasikaso ng ilang Regional Offices ng DSWD.
Isa lamang dito ay mayroong 7,056 pending applications para sa Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) at 2,597 pending applications para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ang nai-refer ng OVP Panay at Negros Islands Satellite Office sa DSWD Field Office-VI na hanggang ngayon ay wala pa ring umanong naiaabot na assistance. (Eralyn Prado)
The post OVP binuweltahan DSWD sa ayuda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments